DAVAO CITY (Eagle News) — Posibleng palitan ng lokal na pamahalaan ng Davao ang mga pampasaherong jeep ng High Priority Bus System (HPBS) para matugunan ang dumadaming populasyon ng mga commuter sa naturang probinsya.
Batay sa ginawang pagsusuri ng Asian Development Bank (ADB), ang planong pagpalit sa mga pampasaherong jeep ngo HPBS ay epektibo at makakatulong sa pagpapagaan ng transportasyon ng mamamayan.
Magkakaroon din umano ng bukod na lanes para sa HPBS na inaasahang magsisimula sa buwan ng Hunyo.