Mga pangunahing wanted sa Surallah, nadakip na

Arestado ang No. 7 most wanted at ang No. 2 naman sa drug watchlist sa bayan ng Surallah, South Cotabato sa magkahiwalay na operasyon ng mga otoridad.

Kinilala ng mga otoridad ang No. 7 most wanted na si Rogelio Delos Santos Bendor alyas Gil, na may warrant of arrest sa kasong murder.

Habang kinilala naman ang No. 2 sa drug watchlist na si Ian Dizon Limosnero, 35 anyos, may-asawa, na nahaharap naman sa kasong may kaugnayan sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Parehong nadakip ang mga suspek sa naturang bayan sa magkaibang barangay.

Related Post

This website uses cookies.