Mga pantalan sa Palawan, mahigpit na binabantayan ng PDEA

PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (Eagle News) – Mahigpit na babantayan ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga pantalan sa Palawan sa pamamagitan ng paglalagay ng mga sub-station dito.

Ito ang sinabi ni PDEA General Director Aaron Aquino sa pagdalaw niya sa lalawigan kamakailan.

Base umano sa kanilang intelligence report ay nagagamit bilang bagsakan at lugar ng transaksyon ng iligal na droga na nagmula sa ibang bansa ang mga pantalan.

Kabilang na nga dito ang mga pantalan ng nasabing lalawigan. Ginagawa aniya ito, sa pamamagitan ng pagbabagsak sa dagat ng malalaking fishing vessel at kinukuha naman ng maliliit na bangka.

Upang maisakatuparan ito, gamit umano ang Php-2.8 bilyon pondo ng PDEA para sa susunod na taon ay maisasagawa ang paglalagay ng PDEA sub-station sa mga pantalan. Ito ang siyang magbabantay upang mapigilan ang mga posibleng pagpasok at transaksyon ng droga sa bansa.

At sa tulong naman ng Philippine National Police (PNP) ay maisasakatuparan ang layuning mapuksa ang iligal na droga at maideklarang drug-free ang buong bansa.

(Eagle News Correspondent – Anne Ramos)

 

Related Post

This website uses cookies.