Mga paputok at pailaw sa Bocaue, dinagsa ng mga mamimili

BOCAUE, Bulacan (Eagle News) — Dalawang araw bago sumapit ang bagong taon, halos wala ng maparadahan ang mga sasakyan sa compound ng mga nagbebenta ng paputok at pailaw sa Bocaue, Bulacan.

Ayon sa isang tindera, bagamat dagsa ang mga taong namimili ng mga paputok ngayon ay mahina pa rin ang kanilang bentahan kumpara noong nakaraang taon.

Ni hindi pa nila naabot ang kalahating porsyento ng kanilang kinita noong Disyembre atrenta, 2015.

Kilala ang Bocaue, Bulacan bilang pagawaan at bagsakan ng mga paputok at pailaw, kung saan mabibili ang mga produkto sa mas mababang halaga kumpara sa mga pwesto sa mall o mga retail shops.

Ngayong taon ay ikinampanya rin ng Department of Health (DOH) sa publiko ang pag-iwas sa paggamit ng mga paputok. Katunayan nito, ang kampanya na kanilang isinusulong sa taong ito ay “Iwas Paputok, Foreworks Display ang Patok!”

Kaya naman nanawagan ang DOH sa publiko na sa halip na gumamit ng mga paputok ay manood na lamang ng mga Community Fireworks Display, upang maiwasan ang pagtaas ng porsyento ng mga taong napipinsala dahil sa paputok.

This photo is courtesy of the PIA-PTV

Photos are courtesy of the Philippine Information Agency (PIA-PTV)

Related Post

This website uses cookies.