Mga pasahero sa pantalan, nag-umpisa ng dumami

(Eagle News) — Tinatayang nasa 80,000 na ang bilang ng mga pasahero sa pantalan na pabalik na ng Metro Manila sa araw na ito, Marso 27, mula sa holiday break.

Ayon sa datos ng Philippine Coast Guard (PCG), karamihan sa mga nabanggit na pasahero ang galing sa Western Visayas.

Samantala, tiniyak naman ng PCG na sapat ang kanilang mga tauhan na magbabantay sa kaligtasan ng mga bumibiyahe