Mga pelikula na kabilang sa Metro Manila Film Festival 2021, inanunsyo na

 

By Earlo Bringas
Eagle News Service

 

(Eagle News) – Opisyal nang inanunsyo ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang walong official entries para sa 2021 Metro Manila Film Festival (MMFF) na gagawin mula Disyembre 25. Dahil binuksan na ang mga  sinehan sa limitadong kapasidad ngayong nasa ilalim na ng Alert Level 2 ang Metro Manila, mapapanood na nang pisikal ang mga pelikula na nasa line up ng MMFF 2021.

Mismong si MMDA Chairman Benhur Abalos ang nagpasinaya sa pagsisimula ng MMFF 2021. Ang walong entries na kabilang sa nasabing taunang pagdiriwang ngayong taon ay ang mga sumusunod:

1. A Hard Day (Viva Films) sa direksyon ni Lawrence Fajardo at pinagbibidahan nina Dingdong Dantes, John Arcilla, Meg Imperial.

2. Big Night (Cignal Entertainment) sa direksyon ni Jun Robles Lana at pinagbibidahan nina Christian Bables, Eugene Domingo, Janice De Belen, John Arcilla at Ricky Davao.

3. Love At First Stream (Star Cinema) sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina at pinagbibidahan nina Anthony Jennings, Jeremiah Lisbo, Daniela Stranner at Kaori Oinuma.

4. Kun Maupay Man It Panahon (Trans: Whether If The Weather is Fine) (Cinematografica) sa direksyon ni Carlo Francisco Manatad at pinagbibidahan nina Charo Santos, Daniel Padilla at Rans Rifol.

5. Nelia (A & Q Production Films) sa direksyon ni Lester Dimaranan at pinagbibidahan nina Winwyn Marquez, Raymond Bagatsing at Shido Roxas.

6. Huwag Kang Lalabas (Obra Cinema) sa direksyon ni Adolf Alix Jr. at pinagbibidahan nina Beauty Gonzales, Kim Chiu, Aiko Melendez, Jameson Blake at Joaquin Domagoso.

7. The ExorSis (TinCan Productions) sa direksyon ni Fifth Solomon at pinagbibidahan nina Toni Gonzaga, Alex Gonzaga at Melai Cantiveros.

8. Huling Ulan sa Tag-araw (Heaven’s Best Entertainment) sa direksyon ni Louie Ignacio at pinagbibidahan nina Ken Chan, Rita Daniela Richard Yap at Lotlot De Leon.

(Eagle News Service)