Mga piloto at kinatawan ng Xiamen Airlines, pahaharapin sa House probe

(Eagle News) — Padadaluhin sa imbestigasyon ng Kamara ang mga piloto at kinatawan ng Xiamen Airlines sa September 5 para pagpapaliwanagin sa naging aberya sa Ninoy Aquino International Airport, matapos sumadsad ang kanilang eroplano sa main runway ng paliparan.

Sinabi ni Catanduanes Representative Cesar Sarmiento, aalamin nila sa mga ito kung ano ang naging dahilan ng pagsadsad ng eroplano na nagdulot ng perwisyo sa napakaraming pasahero.

Hihingin din ng House panel ang resulta ng imbestigasyon na isinagawa ng Department of Transportation, , NAIA, Manila International Airport Authority (MIAA) at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa nangyari.

Pahaharapin din sa pagdinig maging ang mga opisyal ng Overseas Workers Welfare Authirity (OWWA), Philippine Overseas Employment Authority (POEA) at mga recruitment agency para alamin ang kanilang naging aksyon sa mga stranded na OFW dahil sa pagsasara ng runway ng NAIA.

Related Post

This website uses cookies.