Mga plastic, bawal na sa Boracay simula sa June 15

(Eagle News) — Nakatakda nang ipatupad ng Malay-Local Government Unit ang limang taon nang batas na nagbabawal sa paggamit ng plastic lalo na sa isla ng Boracay.

Ang Municipal Ordinance No. 320-2012 ay naglalayong mabawasan ang paggamit ng plastic.

Sa ilalim nito, mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit at pagbebenta ng plastic bag sa mga dry goods at mabawasan ang paggamit nito sa mga wet goods.

Bawal din ang paggamit ng styrofoam.

Hinihikayat naman sa mga residente at mamimili ang paggamit ng mga reusable bag, woven bags, cloth bags, paper bags at iba pa na gawa sa mga biodegradable material.

May kaukulang multa na umaabot sa P 1,000 hanggang P 2,500 o pagkakulong ng isa hanggang anim na buwan ang ipapataw sa sinumang lalabag.

Related Post

This website uses cookies.