Mga pulis at sundalo sama-samang nagsagawa ng clean up at rehabilition sa Tandag City Sports Complex

TANDAG City, Surigao del Sur (Eagle News) – Napasabak sa matinding clean-up at rehabilitasyon ng Tandag City Sports Complex ang mga personnel ng Tandag City Police Station at ang ilang mga sundalo ng 402nd Brigade Philippine Army. Ito ay matapos na magsibalik sa kanilang mga tahanan ang mga lumad sa Mararag.

Ang City Sports Complex ay mahigit isang taon na ginawang pansamantalang tirahan ng mga Lumad matapos mapatay ang tatlo nilang kasama ng mga hindi pa nakikilalang suspek. Sa takot ng mga ito ay lumikas muna sila sa kanilang lugar.

Nilinis muna ang nasabing dako at sinunog ang mga naiwang basura upang sa mga darating na panahon ay dito na isasagawa ang iba’t-ibang events ng mga Tandageno.

Courtesy: Dennis Ravelo

Related Post

This website uses cookies.