(Eagle News) — Sinibak na sa pwesto ang mga hindi pa pinangalanang pulis na umano’y gumamit ng baril sa mga magsasakang nakilahok sa protestang nauwi sa marahas na dispersal sa Kidapawan City at ikinamatay ng tatlong katao habang ikinasugat ng iba pa noong Abril 1.
Ayon kay Philippine National Police Director for Operations Jonathan Miano, base aniya sa Police Operational Procedures, bawal gumamit ng armas sa gayong sitwasyon maliban na lamang kung talagang kinakailangan.
Patuloy pa aniyang iniimbestigahan ng PNP ang ginawang pagtugon ng m
ga pulis sa naturang dispersal habang ang mapatutunayang guilty ay haharap aniya sa administrative cases.
Samantala, siniguro din naman ni Miano na magsasampa rin ang kanilang ahensya ng mga kasong frustrated murder at physical injuries laban sa mga organizer ng naturang rally at illegal assembly naman para sa mga nagprotesta.