Mga pulis na sangkot sa Kidapawan dispersal, papananagutin – PNP

File Photo: Kidapawan dispersal

(Eagle News) — Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na haharapin ng kanilang mga tauhan ang mga kasong kriminal at kasong administratibo na umano’y isasampa ng Commission on Human Rights (CHR).

Kaugnay ito ng madugong dispersal sa mga nagprotestang magsasaka sa Kidapawan City noong Abril na ikinasawi ng dalawang indibidwal.

Ayon kay PNP spokesperson PC/Supt. Wilben Mayor, bibigyan nila ng sapat na legal support ang mga pulis para harapin ang kanilang kaso.

Sa kabila nito, inamin naman ng PNP na base sa sarili nilang imbestigasyon, may nakita anila silang lapses sa panig ng kanilang mga tauhan sa nangyaring dispersal.

Katunayan, inihahahanda na rin nila ang mga kasong administratibo na maaaring kaharapin ng mga ito.

Bukod sa mga pulis, nakatakda ring sampahan ng kaso ng CHR sa Office of the Ombudsman at Department of Justice ang lokal na pamahalaan ng Kidapawan at maging ang mga nag-organisa ng naturang kilos protesta.

Related Post

This website uses cookies.