By Jabes Juanites
Eagle News Service
SURIGAO CITY, Surigao del Norte (Eagle News) — Nasa state of calamity na ang buong probinsya ng Surigao Del Norte matapos tamaan ng magnitude 6.7 na lindol Biyernes ng gabi.
Pinagtibay ang resolusyon dahil sa lawak ng pinsala ng lindol sa lalawigan.
Una nang isinailalim sa state of calamity ang Surigao City noong Sabado dahil naramdaman sa limamput apat na barangay ang lindol.
Samantala, matagumpay na naisagawa ang blood donation ng Surigao Del Norte Police Provincial kahapon.
Ito ay pinangunahan ni PSSupt Anthony Maghari at ng Caraga Regional Blood Bank.
Dumating ang mga tauhan ng Surigao Del Norte Provincial Public Safety Company, personnel ng municipal stations, police trainees ng regional training school, non-uniformed PNP at drug surrendeeres.
Umabot sa pitumpu’t walong bag ang nakolekta ng Caraga Regional Blood Bank.
Layunin ng proyektong ito na makatulong sa mga biktima ng nangangailangan ng dugo lalo na ang mga biktima ng nagdaang lindol sa Surigao City.
Dahil sa walo ang casualty 200 katao anh nasugatan at 600 humigit kumulang 600 million ang damage sa properties at infrastructure.