Mga punerarya, nais paimbestigahan dahil sa mataas na singil sa pagpapaburol at pagpapalibing

(Eagle News) — Dapat raw imbestigahan ng Senado ang mga punenarya na umano’y accredited ng Philippine National Police dahil sa mga ulat na umano’y  mas mataas sa karaniwang presyo ng pagpapaburol at pagpapalbing  ang sinisingil sa pamilya ng mga biktimang namamatay sa operasyon ng mga pulis.

Kaugnay nito, inihain ni Senador Risa Hontiveros ang isang resolusyon para imbestigahan ang nasabing insidente.