Mga PWD, senior citizen sa paaralan sa San Mateo, Rizal, nakaranas ng ilang problema sa pag-boto

By Meanne Corvera
Eagle News Service

Pahirapan pa rin ngayon ang pagboto lalo ng mga Persons with Disabilities at mga senior citizen dito sa San Mateo National High School sa Rizal.

Karamihan kasi sa mga senior citizen umakyat pa sa third floor dahil naroon ang kanilang presinto.

Si Aling Roberta Apolonia, 85 years old na  pero umakyat pa ng third floor dahil dito raw siya bumoto noong 2016.

“Hindi pa e. Wala yung pangalan ko rito eh… di ko makita.. Yung salamin ko, pang-malayuan to..Di ko mabasa,” ani Apolonia.

Pero matapos ang isang oras na paghahanap, hindi niya makita ang kaniyang pangalan kaya umuwi na lang siya at hindi na bomoto.

Ayon sa mga miyembro ng Board of Election Inspector, kung hindi na kakayanin ng PWD o senior citizen na umakyat ng hagdanan, maaari namang umakyat ang kamag-anak ng senior citizens tapos ibababa na lang ang mga dokumento.

Pero hindi raw maiiwasan na mag-cause ito ng delay sa iba pang botante.

Related Post

This website uses cookies.