MANILA, Philippines (Eagle News) — Kailangang managot ang mga rebeldeng komunista na nasa likod ng pag-ambush at brutal na pagpatay sa mga sundalo. Ito ang inihayag ng mga senador, upang anila ay mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga sundalo.
Samantala, suportado naman ng ilang kongresista ang pagkansela ni Pangulong Rodrigo Duterte sa napagkasunduang peace talks sa rebeldeng komunista na CPP-NPA-NDF.
Ayon sa mga ito, sobra na ang naging pagbibigay ng pamahalaan sa mga rebeldeng komunista pero sa kabila nito ay niloloko naman nito ang gobyerno at ang publiko sa kanilang magkakasalungat na pahayag.