TAYUG, Pangasinan (Eagle News) – Muling nagsagawa ng unannounced drug testing sa mga reformist sa Tayug, Pangasinan bilang bahagi ng ng kanilang community-based rehabilitation program.
Ang drug testing ay isa sa mga requirement sa ilalim ng rehabilitation program ng mga reformist upang maialis ang kanilang mga pangalan sa watchlist.
Mayroon namang nairekomenda ang Philippine National Police-Tayug na 30 reformist sa Pangasinan Provincial Office at Philippine Drug Enforcement Agency para sa delisting.
Ito ay naghihintay na lang ng approval ng mga kinauukulan.
Juvy Barraca – Eagle News Correspondent, Tayug, Pangasinan