ORMOC CITY, Leyte (Eagle News) – Pinayuhan na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang ilang mga residente sa Leyte na lumikas na agad.
Ito ay dahil sa ang ilang lugar sa Leyte ay nakaranas ng landslide matapos ang pagtama ng magnitude-6.5 na lindol, halos dalawang linggo na ang nakalilipas.
Ayon kay DENR Region 8 Director Leonardo Sibbaluca, nananatiling mataas ang banta ng pagguho ng lupa sa mga naturang lugar dahil sa kalidad ng lupa doon.
Pawang volcanic soil aniya ang mga lupa sa mga lugar kung saan nangyari ang mga landslide, kaya madaling gumuho ang mga ito.
https://www.youtube.com/watch?v=dOuCjOHLawM&feature=youtu.be