(Eagle News) — Naging matagumpay ang isinagawang lingap sa mamamayan ng Iglesia Ni Cristo sa mga mahihirap na komunidad sa bansa at maging sa iba’t-ibang panig ng mundo.
Sa pagkakataong ito, ang mga residente naman ng Muslim compound sa Culiat, Quezon City ang nilingap ng Iglesia Ni Cristo sa ilalim ng programang “Lingap Laban Sa Kahirapan” na inilunsad ng tagapamahalang pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo, ang kapatid na Eduardo V. Manalo.
Nagkaloob ang Iglesia Ni Cristo ng libreng dental at medical services sa mga residente ng Salam Muslim Compound ngayong araw, Oktubre 31 na dito ay daan-daang residente ang napagkalooban ng tulong. (Eagle News Service Eden Suarez-Santos)