(Eagle News) — Maaga pa lang ay nagsidatingan na ang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo kasama ang kanilang mga panauhin na sinamantala ang pagkakataon na makatanggap ng libreng serbisyong medical at dental ng Iglesia Ni Cristo.
Ito ay sa pakikipagtulungan ng Felix Y. Manalo Foundation at ng New Era General Hospital kasama ang ilang mga doktor at volunteers na malapit sa lokal ng Bago Bantay sa Quezon City.
Libreng medical at dental services, isinagawa
Mga medical consultation, ultrasound, ECG, dental check up at extraction maging emergency area ang naipakagloob ng libre ng Iglesia Ni Cristo.
Maging ang mga kababayan nating walang panggastos sa pagpapa-check up at pambili ng mga gamot ay nakatanggap din ng libreng serbisyo.
Ang mga kababayan din natin na nasa uring deaf ay nagpasalamat din sa ipinagkaloob na serbisyo ng Iglesia Ni Cristo.
Ilang personalidad, nakiisa sa Lingap Pamamahayag ng Iglesia Ni Cristo
Maging ang ilang kilalang personalidad sa showbiz na kaanib sa Iglesia Ni Cristo ay nakiisa din sa isinagawang Lingap sa Mamamayan.
Eksakto alas kwatro naman ng hapon ng simulan ang evangelical mission na pinangunahan ng mga ministro ng INC.
Mga nabigyan ng tulong ng Iglesia Ni Cristo, nagpasalamat
Pagkatapos nito ay namahagi na ng goody-bags sa mga lumabas mula sa venue at bakas sa panauhin na nabigyan ng tulong ng INC ang kasiyahan.
Naging positibo naman ang mga naging panauhin sa aktibidad na isinagawa ng INC.
Ang Lingap sa Mamamayan ng Iglesia Ni Cristo ay isa sa mga proyekto ng INC na layong makatulong sa ating mga kababayan sa iba’t ibang sulok ng bansa gayundin sa ibang panig ng mundo. (Eagle News NCR Bureau Ian Jasper Eleazar)