Mga residente sa Cavite, ‘di sang-ayon na gawing isolation facility ang Bacoor Coliseum

Ni Pearl Lozada
Eagle News Service

CAVITE, Philppines (Eagle News) – Umalma ang maraming Caviteño sa kasalukuyang pagsasaayos ng Bacoor Coliseum na nasa loob ng isang residential area upang maging isang 90-bed space isolation facility para sa mild at asymptomatic cases ng COVID-19.

At dahil ang Camella Springville Subdivision ay napaliligiran hindi lamang ng mga bahay kundi ng business establishment, nangangamba ang marami na gawin itong quarantine facility.

Ayon sa ilang residente, hindi umano sila pabor sa isinasagawang pasilidad dahil sa ito ay isang residential at commercial space.  Binatikos rin ito sa social media.

Ang mungkahi ng mga residente ay ilipat na lang ang isolation facility sa Strike Gymnasium na nasa loob ng Bacoor Government Center.

Tinatayang kalagitnaan ng Setyembre magsisimula ang pag-operate ng nasabing isolation facility.

 

 

Related Post

This website uses cookies.