ESPERANZA, Agusan del Sur (Eagle News) – Saktong isang linggo ang nakalipas mula ng tuluyang humupa ang baha sa lungsod ng Esperanza, Agusan del Sur. Hindi pa tuluyang nakakabangon ang mga residente sa pinsalang dulot ngayon ay muli na namang nangangamba ang mga ito dahil anomang sandali ay kanila na namang lilisanin ang kanilang mga tahanan para lumikas. Ito ay dahil sa umapaw na muli ang dalawang ilog na nakapalibot sa lungsod.
Noong Huwebes, Pebrero 16 ay muling bumuhos ang malakas at walang tigil na ulan. Muli itong nagdulot ng pagbaha sa kalsada at kabahayan na nasa mababang lugar at malapit sa ilog.
Samantala nakaantabay naman ang mga kinauukulan sa posibleng pagtugon sa pangangailangan ng residenteng maaapektuhan ng mga pagbaha bagamat wala pang opisyal na anunsiyo ang lokal na pamahalaan ukol rito.
Alelie Pagsolingan – EBC Correspondent, Agusan del Norte