(Eagle News) — Maaaring maharap sa kasong graft at drug-related graft ang mga napabilang sa “drug matrix” ng New Bilibid Prison (NBP) na inilabas ni Pangulong Rodrigo Dutere.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, itutuloy ang pagsasampa ng mga nabanggti na kaso kung mabeberipika at mapagtitibay ang mga impormasyon laban sa mga taong nasa matrix.
Maraming pangalan ang lumitaw sa “Bilibid drug matrix” kabilang sina Sen. Leila de Lima, Former Justice Undersecretary Francisco Baraan III at Pangasinan Rep. Amado Espino, Jr.
Samantala, pinabulaanan naman ng tatlo ang mga akusasyon laban sa kanila.