Eagle News — Target ngayon ng Department of Science and Technology (DOST) na lagyan ng libreng WiFi ang mga sari-sari store sa bansa. Katuwang ng DOST ang WiFi Interactive Network ang paglalagay ng libreng WiFi sa mga sari-sari store kung saan gagamitin nila ang hindi nagagamit na mga frequencies sa telebisyon kaya walang inaasahan na congestion.
Isang paraan para makakuha ng libreng wifi ang isang consumer ay kapag bumili ito ng produkto kung saan bibigyan sila ng code para makagamit ng libreng WiFi.
Ang nasabing proyekto ay isang paraan ng gobyerno na malagyan ng libreng Wi-Fi ang maraming lugar sa bansa.