Mga taga-Marawi pinayuhang hintayin munang matapos ang krisis sa lungsod, bago bumalik

(Eagle News) –  Pinayuhan ng Malacañang ang mga taga-Marawi City na mas makabubuting hintaying matapos ang krisis bago bumalik sa kanilang lugar. Kasunod ito ng plano umano ng grupong “Occupy Marawi” na bumalik sa Marawi City sa mismong araw ng State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, naiintindihan ng palasyo ang sentimyento ng mga residente ng Marawi, subalit dapat isaalang-alang ang kaligtasan nang mga ito.

Wala aniyang katiyakan na ligtas pa ang ibang lugar ng lungsod dahil may mga insidente pa ng tinatamaan ng ligaw na bala at nagpapatuloy pa ang clearing operations ng mga sundalo sa posibleng booby traps na iniwan ng Maute Terror Group.

https://www.youtube.com/watch?v=WcBcgTd5FtQ&feature=youtu.be