Mga taga Metro Cebu pinag-iingat sa epekto ng haze

Pinayuhan ng Department of Environment and Natural Resources  (DENR) ang mga taga-metro Cebu na magsuot ng protective gear laban sa haze na mula sa Indonesia.

Ayon kay Environmental Management Bureau-Central Visayas Regional Director Engineer William Cuñado, ang makapal na usok na nakakaapekto ngayon sa Metro Cebu ay makakaapekto sa mga may sakit sa puso o iba pang respiratory problems gaya ng hika.

Payo ni Cuñado, kung lalabas ay gumamit ng eye goggles, dust mask respirators, at iba pang protective gear.

Dapat din aniyang limitahan ang pananatili sa labas para makaiwas sa matinding polusyon.

Ayon kay Cuñado, maaaring matagalan pa ang epekto ng haze sa metro cebu lalo na at masyadong mababa ang wind velocity na naitatala roon.

Umaasa naman ang opisyal na magkakaroon ng malakas na ulan sa cebu para malinis ang hangin roon.

Related Post

This website uses cookies.