MANILA, Philippines (Eagle News) — Nagtipun-tipon ang mga tagasuporta ni Dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa harap ng Korte Suprema na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET) para sa unang araw ng manual recount ng election protest laban kay Vice President Leni Robredo.
Hindi bababa sa 200 tagasuporta ni Marcos ang nagtungo sa harap ng gate ng Supreme Court suot ang pulang t-shirt.
Bukod sa mga tagasuporta naroon din si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos para suportahan ang kaniyang kapatid.
(Mga litrato ni Moira Encina, Eagle News Service)