MANILA, Philippines (Eagle News) — Sinuspinde na ng Malacañang ang pasok sa gobyerno sa Disyembre 26 at Enero 2.
Batay sa Memorandum Circular No. 37 na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, sinuspinde ni Pangulong Rodrigo Duterte ang trabaho sa gobyerno para mabigyan ng pagkakataon ang mga government employees na makasama ang kani-kanilang mga pamilya sa darating na holiday season.
Saklaw ng memorandum circular ang mga nasa government-owned and -controlled corporations, government financial institutions, state universities and colleges, local government units at iba pang agency.
Hindi naman sakop ng kautusan ang mga ahensya na may kinalaman sa basic at health services, preparedness/response disasters and calamities at iba.
Ipinauubaya naman ng Palasyo ang pagpapasya ng pagsuspinde ng trabaho sa mga private sector, independent commission at bodies.