Mga tanod na ilegal na nagdadala ng baril, ipinaaaresto ni PNP Chief Dela Rosa

MANILA, Philippines (Eagle News) — Ipinaaaresto ni Philippine National Polcie (PNP) Chief Ronald Dela Rosa ang mga barangay tanod na ilegal na nagbibitbit ng baril.

Kasunod ito ng madugong shootout sa Mandaluyong City, kung saan nagpaputok ng baril ang mga barangay tanod na rumesponde sa isang shooting incident.

Ayon kay General Dela Rosa, walang karapatang magbibit ng baril ang mga barangay tanod at batuta lang aniya dapat ang hawak ng mga ito.

Ligtas naman sa pagkakaaresto ang mga tanod na may dalang permit to carry firearms outside of residence, pero kahit may permit hindi pa rin aniya dapat dalhin ang baril sa pagro-ronda.

Sinabi naman ni DILG Officer-in-charge Undersecretary Catalino Cuy na bawal talagang magbitbit ng baril ang mga barangay tanod.

Related Post

This website uses cookies.