Mga taong sasalubong sa bagong taon, paparami na sa Ciudad de Victoria

MANILA, Philippines (Eagle News) — Patuloy ang pagdating ng  ating mga kababayan dito sa Ciudad de Victoria sa Bocaue Bulacan para saksihan ang new year’s countdown.

Bagamat mamayang alas dose pa ng hatinggabi ang pinaka aabangang fireworks display, marami nang pwedeng mapaglibangan ang ating mga kababayan

Katunayan mahaba ang pila ngayon sa ibat ibang rides pambata man, para kay ate, kuya pwede rin si nanay at tatay.

Ferris wheel, Merry mixed up go cart, Water slide at meron ding face paint para sa bata at iba pang maaring mapaglibangan.

Kapag napagod at nagutom, marami ring maaring pagbilhan ng ibat ibang inumin at pagkain.

Libre ang entrance fee sa lahat ng mga rides basta may tiket na maaring mabili sa maligaya development corp.

Sa ngayon may mga pamilya na nagmula pa sa ibat ibang bayan ng Pangasinan at Bulacan para dito na magpalipas ng bagong taon.

Pinili naman ni aling Bernadeth na dito isagawa ang “Family Reunion”.

First time lang daw nilang marating ang philippine arena at nais ring masaksihan ang masayang fireworks display.

May nakatayo nang mga tent ngayon dito sa gilid ng mga Philippine Sports Stadium para sa mga kababayan natin na magpapalipas na lang ng magdamag dito sa Ciudad de Victoria.

Related Post

This website uses cookies.