(Eagle News) — Pinarangalan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga tauhan nito na sumabak sa bakbakan sa Marawi City noong Mayo.
Partikular na ginawaran ng Gold Cross Medal ang dalawang opisyal at pitong miyembro ng Philippine Marines sa pangunguna nina 1st Lt. Bobby Gabayno, 1st Lt. Kim Martal, Gt. Lito Malana, Sgt. Sherwin Seraspe, Coroporal Johnson Curato at Corporal Rodrigo Palting Jr.
Maliban sa mga nabanggit, binigyan din ng Gold Cross at Military Merit Medal ang tatlong tauhan ng Naval Intelligence and Service Group sa Western Mindanao dahil sa tapang at malasakit na ipinakita ng mga nito para sa pagtatanggol sa bayan.
Pinangunahan ni Lt.Gen. Carlito Galvez, Commander ng Western Mindanao Command ang nasabing parangal kung saan, binigyan din nito ng command plaque si Rear Admiral Rene Medina bilang Commander ng Naval Forces sa Western Mindanao.