Mga Telcos binigyan ng 1 year para mapabilis ang internet service

BINIGYAN ng hanggang isang taon ng National Telecommunications Commission (NTC) ang dalawang telephone companies para ma-improve ang kanilang internet service.

Ayon kay NTC Commissioner Edgardo Cabarios, hiniling ng PLDT at Globe na kung maari ay gumamit sila ng hanggang 700mhz frequency.

Dahil sa pagpayag ay inaasahan nito na lalong mapapabilis ang internet service gaya ng ipinangako ni Incoming President Rodrigo Duterte.

Dagdag pa ni Cabarios na sakaling mabigo sila ay tatanggalin nila ang kanilang co-use agreement na ibinigay sa nasabing mga telcos. (Eagle News)

Related Post

This website uses cookies.