Mga traffic enforcer sa Maynila, gagamit na ng body camera

(Eagle News) — Gagamit na ang mga traffic enforcer sa Maynila ng  body camera simula sa taong ito para matigil ang katiwalian gaya ng pangingikil at iba pang “under-the-table” na usapan kapag sila ay nanghuhuli ng mga motorista.

Ayon kay Manila Traffic and Parking Bureau Chief Dennis Alcoreza, sa pamamagitan ng pag-record ng mga nagaganap na engkwentro sa pagitan ng enforcer at motorista, ay makakakuha sila ng ebidensya sa aktuwal na pangyayari.

Makakatulong din anya ang body camera para maprotektahan ang traffic enforcers mula sa mga tiwaling motorista.

https://youtu.be/iNxNrXjIZps