METRO MANILA, Philippines (Eagle News) – Muling binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga transport group na tutol pa rin sa Public Utility Vehicle (PUV) modernization program.
Ayon kay Pangulong Duterte, tiyak na may kalalagyan ang mga transport group na hindi susunod sa batas dahil wawasakin niya ang mga sasakyan ng mga ito.
Maka-ilang beses ng naglunsad ng tigil-pasada ang mga grupong Piston at Stop and Go Coalition bilang protesta sa PUV modernization program.
Iginiit ni Pangulong Duterte na mahalaga ang modernisasyon ng mga pampublikong sasakyan upang maiwasan ang polusyon sa hangin lalo sa Metro Manila na kadalasang nagiging sanhi ng iba’t ibang sakit.