Mga turista, dismayado sa duma-daming algae sa Boracay

(Eagle News) — Dismayado ang ilang turista sa Boracay, bunsod umano ng maka-kapal na algae o lumot sa dalampasigan ng isla dahil sa halip na malinaw ay berdeng kulay ng tubig ang kanilang nakikita.

Ayon sa ilang turista, sana ay maalagan ang dagat , dahil aniya pangit nang tingnan at kailangang lumayo para maging malinaw ang tubig.

Sinabi ng mga residente na nakikita ang algae sa dagat tuwing Enero hanggang Marso, subalit nawawala naman aniya ito  kapag summer season.

Samanatala, ayon naman sa mga eksperto, ang pagdami ng algae sa dalampasigan ng Boracay ay resulta ng dumaraming populasyon at kakulangan ng pasilidad sa waste treatment.

Related Post

This website uses cookies.