Mga unli rice promo, ipinanunukalang ipagbawal na

(Eagle News) — Isinusulong ni Senadora Cynthia Villar na ipagbawal na sa mga restaurant o fast food ang pag-aalok ng unli o unlimited rice sa kanilang mga kostumer.

Ito ang inihayag ng Senadora kasabay ng pagdinig ng Senate Committee on Agriculture hinggil sa planong pag-aangkat ng karagdagang suplay ng bigas sa bansa.

Ayon kay Villar, may mga pag-aaral na susuporta hinggil sa hindi magandang benepisyo sa kalusugan ng sobra-sobrang pagkain ng kanin.

Mas mainam ayon sa Senadora kung tutularan ng Pilipinas ang Japan at China na hindi mataas kumonsumo ng bigas, sa halip, mas malaki ang kinukonsumong gulay.

Batay sa pag-aaral, tinatayang aabot sa 23 milyong pisong halaga ng bigas ang nawawala dahil sa mga nasasayang na kanin na hindi naman nauubos sa mga kainan.

Related Post

This website uses cookies.