Midnight deals na pinasok umano ng Meralco, pinabulaanan

(Eagle News) – Mariing itinanggi ng pamunuan ng Manila Electric Company (MERALCO) ang alegasyong may midnight deals sa pitong power supply agreements na pinasok nito.

Agad na nilinaw ng Meralco sa joint hearing ng House committee on good government and public accountability at committee on energy na dumaan sa tamang proseso ang pitong supply agreements na may 20 taong kontrata.

Binigyang-diin pa ni Ivanna dela Peña, 1st Vice President ng Meralco, na hindi madedehado ang mga consumer sakaling maipatupad na ang mga kontratang ito.

Pero hindi kinagat ng ilang oppositor ang pahayag ng Meralco dahil tiyak daw na ipapataw sa publiko ang karagdagang bayarin sa pamamagitan ng power rate hike.

https://youtu.be/HWsme-Xzlxo