Migratory birds na bumibisita sa Wetland and Nature Park sa Balanga, Bataan nabawasan na

BALANGA CITY, Bataan (Eagle News) – Matagumpay na naisinagawa ang 2017 Asian Waterbird Census sa Wetland and Nature Park Barangay Tortugas, Balanga City, Bataan noong Sabado, January 21, 2017. Pinangunahan ito ng Wildbird Club of the Philippines (WBCP) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) Bataan.

Umabot sa bilang na 15,041 ang waterbirds na nabilang sa isinagawang census. Kung ikukumpara noong nakaraang taon, umabot sa mahigit 29,000, mas mataas sa bumisitang mga waterbirds ngayong taon. Pinakamarami pa rin ang mga maliliit na ibon o waders na may bilang na 9,982. Mayroon pa ring mga egrets at plovers mga uri ng ibon na naninirahan sa Bataan.

Ayon kay Ms. Cristine Cinco Secretary ng WBCP, nahirapan silang magbilang dahil mataas ang tubig at malamig ang panahon. Kinukunsidera pa rin nila na marami pa rin ang mga ito kaysa sa ibang lugar sa ating bansa.

Nananawagan sila sa mga namumuno sa ating lokal na Pamahalaan na pangalagaan ang ating kalikasan para manatili ang mga ibon sa lalawigan.

Josie Martinez – EBC Correspondent, Bataan

Related Post

This website uses cookies.