Nag-aalangan na umano ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) na i-decommission ang kanilang mga armas matapos na maging kuwestiyunable ang pagpasa ng Bangsamoro Basic Law (BBL) kasunod nang trahedya sa Mamasapano, Maguindanao.
Ayon kay MILF chief negotiator Mohagher Iqbal, hindi masisi ang MILF kung hindi maisusuko ang mga baril dahil malaki ang pagpapahalaga ng mga miyembro nito sa kani-kanilang mga armas.
Ang pagsuko aniya ng kanilang armas ay ang sakripisyo ng MILF kapag naipasa na ang BBL.
Ayon pa kay Iqbal, naapektuhan ang ilang aspeto ng “Annex on Normalization” dahil sa mga pagdududa na maipasa ang isinusulong na usaping pangkapayapaan o BBL.