LABO, Camarines Norte (Eagle News) – Namataan ng mga residente kahapon, Hunyo 21 bandang 3:00 ng hapon ang mga grupo ng armadong kalalakihang pinaniniwalaang mga rebelde sa Barangay Domagmang, Labo, Camarines Norte.
Patungo umano ang mga ito sa isang military detachment ng 902nd Infantry Battalion na nakabase sa nasabing lugar.
Naalarma ang mga kasamahang sundalo at agad na tumawag ng reinforcement sa isa pang detachment sa Barangay Mahawanhawan.
Itinaas na sa heightened alert ng Philippine National Police ang kabi-kabilang checkpoint sa mga entry at exit point ng lalawigan dahil sa insidente.
Wala namang nangyaring bakbakan sa pagitan ng mga rebelde at militar dahil sa tulong ng mga residenteng nakakita sa armadong grupo.
Subalit itinuturing na harassment umano ito sa hanay ng militar.
Orlando Encinares – Eagle News Correspondent, Camarines Norte