Minaltratong OFW sa Saudi, makakauwi na sa PHL

MANILA, Philippines (Eagle News) — Makalipas ang halos apat na taon, makakauwi na sa wakas ang Filipina domestic helper na binanlian ng mainit na tubig ng kaniyang amo sa Saudi Arabia.

Ayon kay Acts OFW Partylist Representative John Bertiz, nakatanggap siya ng tawag mula sa Saudi Arabia Ambassador to Manila na si Dr. Abdullah Bin Nasser Al-Bussairy at sinabing maaari ng makauwi ng Pilipinas anomang oras si Pahima “Candies” Alagasi.

Si Pahima, 26 anyos ay isang household service worker mula sa Pikit, North Cotabato ay nagtamo ng second degree burn sa iba’t ibang bahagi ng katawan matapos buhusan ng kumukulong tubig ng kaniyang among babae sa Riyadh, apat na taon na ang nakalilipas.

Pangulong Duterte malaki ang nagawa para makabalik sa PHL ang OFW – Solon

Malaki umano ang nagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapabalik sa bansa kay Pahima matapos nitong buksan ang isyu sa paghaharap nila ng prinsipe ng Saudi Arabia na si Crown Prince Saud Bin Naïf noong bumisita ito sa Manila.

Kaso ni Pahima, nailapit na rin sa nakalipas na administrasyon – Ople Center

Maging ang Ople Center na tumutulong sa mga ay ikinatuwa ang magandang resulta ng bilateral visit ng prinsipe ng Saudi Arabia sa Pilipinas.

Una rito, ilang beses na umanong inilapit ng Ople Center sa nakalipas na administrasyon ang kaso ni Pahima subalit wala namang naging aksyon.

Employer ni Demafelis, dapat matiyak na mapaparusahan – solon

Samantala, wala umanong hustisyang matatamo para kay Joanna Demafelis hangga’t hindi naipapataw ang parusang bitay sa mga employer nito na sina Nader Essam Assaf at asawang si Mona.

Ani Bertiz, parang inuuto lang ng Kuwaiti government ang mga Pilipino dahil hindi naman nila hawak ang mag-asawa kaya malabong maparusahan ang mga ito.

Dagdag pa nito, hindi malinaw kung talagang nasa kustodiya ng mga awtoridad sa Lebanon at Syria ang dalawa. (Eagle News Service Eden Suarez-Santos)

Related Post

This website uses cookies.