MISAMIS ORIENTAL, Philippines (Eagle News) — Isinailalim na sa code blue ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Department (PDRRMD) ang buong lalawigan ng Misamis Oriental simula ngayong araw.
Ito ay dahil sa inaahasang pag-landfall ng bagyong “Vinta” mamayang gabi o bukas.
Ayon kay Misamis Oriental PDRRMD Chief Fernando Dy Jr., naka alerto na ang buong lalawigan dahil nakataas na sa lalawigan ang public storm signal number 1.
Inaabisuhan na rin aniya ang lahat ng mga residente lalo na sa mga lugar na nahaharap sa mga banta ng mga pagbaha at landslide na maghanda sa nararapat na gagawin.