MMDA, kinukunsidera ang flexible schedule sa trabaho

(Eagle News) — Isinusulong ngayon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang flexible schedule ng trabaho sa Metro Manila upang mapaluwag ang daloy ng trapiko.

Partikular na rito ang sa MMDA, Land Transportation Office, Bureau Of Internal Revenue at Social Security System.

Panukala ni General Manager Tim Orbos, ang dalawang shift mula alas-siyete ng umaga (7:00 AM) hanggang alas-kwatro ng hapon (4:00 PM) at alas-diyes ng umaga (10:00 PM) hanggang ala-siyete ng gabi (7:00 PM) o apat na araw ang trabaho.

Tinalakay niya ang panukalang ito kay Pangulong Rodrigo Duterte at umaasa siyang makakakuha ng approval ngayong linggo.

Hinimok din ni Orbos, ang mga establisimyento na ipatupad ang mga nasabing hakbang.

https://youtu.be/Oz6cFXosr4Y