(Eagle News) — Magsasagawa ng isang surprise earthquake drill ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngayong buwan.
Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, di nila iaanusyo ang petsa ng shake drill at sasabihin lamang sa mismong araw ng drill.
Tatlong araw anilang isasagawa ang nasabing earthquake drill na layong maihanda ang publiko sakaling tumama ang 7.2 magnitude na lindol.
Dagdag pa ni Garcia, magpapadala rin ng announcement kaugnay sa nasabing drill ang mga telecommunication company sa nasabing araw ng drill.
Sa nasabing drill ang Western Quadrant, na binubuo ng Navotas, Malabon, at Maynila ang gagamit ng Intramuros Golf Course bilang evacuation area.
Ang Northern Quadrant naman na binubuo ng Quezon City, Caloocan, Valenzuela, San Juan gagamitin ang Veterans Memorial Medical Center Golf Course at Quezon Memorial Circle.
Habang ang Eastern Quadrant naman na binubuo ng Marikina at Pasig ay gagamitin ang LRT 2 santolan depot.
Ang southern quadrant na binubuo ng Pasay, Makati, Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa, Pateros, at Taguig ang gagamit ng Villamor Golf Course.