MMDA, may libreng sakay sa mga araw ng tigil-pasada ng PISTON sa susunod na linggo

METRO MANILA, Philippines (Eagle News) – Magbibigay ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng libreng sakay sa mga pasaherong inaasahang mai-istranded sa ikinakasa na namang transport strike sa susunod na linggo.

Ayon kay MMDA Assistant General Manager Jojo Garcia, magde-deploy sila ng apat na bus sa pakikipagtulungan sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Land Transportation Office (LTO), Highway Patrol Group (HPG), Philippine National Police (PNP) at iba pang ahensya ng gobyerno.

Una nang inanunsyo ng transport group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) na magsasagawa sila ng ika-apat nilang protesta sa December 4 at 5.

Ang protesta ay laban sa pagpapatupad ng jeepney modernization program.

Sinabi ni Garcia na magpapakalat sila ng P2P buses para hindi masyadong maramdaman ng mga biyahero ang epekto ng tigil-pasada. (Eagle News Service)

Related Post

This website uses cookies.