MANILA, Philippines — Muling ipinaalala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na kahapon, Agosto 31 na epektibo pa ang total truck ban sa kahabaan ng Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA).
Ito ang ginawang paglilinaw ni MMDA General Manager Thomas Orbos matapos na makatanggap ang kanilang ahensya ng mga reklamo sa social media na may kaugnayan sa suliranin sa trapiko.
Sinabi ni Orbos na 24-hours na umiiral ang truck ban, mula Lunes hanggang Linggo mula sa Magallanes Interchange sa Makati City hanggang EDSA North Avenue sa Quezon City, ito ay sa bisa ng special traffic committee resolution na inaprubahan ng Metro Manila Council (MMC).
Sakop din ng truck ban ang Ortigas, Makati, at Bonifacio Global City. Hindi naman kasama sa umiiral na truck ban ang mga truck na may kargang perishable, at agricultural products.
Ang mga lalabag na sa panuntunang ito ng MMDA ay papagmumultahin ng P2,000 piso at sususpindehin ang driver’s license.
Eagle News Correspondent, Quezon City Jet Hilario