MMDA, naglaan ng fire lane sa EDSA para sa mga rumerespondeng fire truck

MANILA, Philippines (Eagle News) — Inilaan na ng Metro Manila Development Authority ang ikaapat na lane ng EDSA na magsisilbing fire lane ng mga truck ng bumbero. Sa pamamagitan umano nito, mas mapapabilis ang kanilang pagresponde sa oras ng emergency.

Simula noong Linggo, Marso 31 ay inilaan na ng MMDA ang ikaapat na lane ng EDSA para sa fire truck para mabilis na makatugon ang mga ito sa oras ng emergency.

Sa pamamagitan rin nito, may pagkakataon ang mga motorista na makaiwas sa kasabayang truck ng bumbero.

Karaniwang isa sa mga dahilan ng aksidente sa EDSA ang pag-iwas ng mismong fire truck sa ibang sasakyan.

Imbes na ang mga private vehicle ang umiwas sa mga rumerespondeng bumbero.

Related Post

This website uses cookies.