ILIGAN CITY (Eagle News) – Tiniyak ni Iligan City Vice Mayor Jemar Vera Cruz na mas lalo pa nilang pinaigting ang seguridad sa lungsod.
Ito ay matapos sabihin ng Armed Forces of the Philippines na maaaring nakapasok ang ilang miyembro ng Maute doon.
Tiniyak ni Cruz na minomonitor nilang mabuti ang kanilang kapaligiran.
Una nang sinabi ni Cruz na may presensya ng Maute sa kanilang lungsod.
Ayon naman kay Brigadier General Restituto Padilla, Armed Forces of the Philippines spokesperson, maaari ngang nakapasok ang mga miyembro ng teroristang grupo sa pamamagitan ng paghalo sa mga evacuee na tumakas mula Marawi.
Bagama’t wala namang armas ang mga suspected terrorist dahil iniwan na bago pa tumawid sa mga checkpoint, hindi pa rin nagpapakakampante ang mga awtoridad sa Iligan City.