(Eagle News) – Tuluyan nang tinanggal ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang moratorium sa pagpapadala ng mga manggagawang Pilipino sa Qatar.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, resulta ito ng konsultasyon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, gayundin sa naging rekomendasyon ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa nasabing bansa.
“This decision was arrived at on the advice of Foreign Affairs Secretary Allan Peter Cayetano and upon the recommendation of Qatar POLO following their assessment of the situation in the Gulf state,” wika ni Bello.
Mayroon aniyang 28 bagong guro at 20 bagong bus drivers ang magtatrabaho ngayon sa Philippine School Doha at Philippine International School sa Qatar.
Maliban sa pagtitiyak na ligtas ang mga Pilipino sa Qatar, sinabi rin ni Bello na patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng POLO sa Qatari authorities para sa repatriation ng mga distressed OFW doon.