Motorcade sa Cebu isinagawa bilang paghahanda sa “Dakilang Pamamahayag” sa Mayo 22

 

 

FB_IMG_1463789483984[1] FB_IMG_1463789477627[1] FB_IMG_1463789481028[1]

20160520_070053

CEBU CITY, Philippines (Eagle News) — Nagsagawa ng motorcade ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa Cebu City nitong Mayo 20, ika-anim ng umaga, bilang paghahanda sa gagawing pamamahayag ng mga Salita ng Diyos sa araw ng Linggo, Mayo 22, 2016, na  pangangasiwaan mismo ng executive minister ng INC  na si  Kapatid na Eduardo V. Manalo.

Maaga namang tumugon at nakipagkaisa ang maraming mga miyembro ng INC  sa nasabing siyudad  na nanggaling pa  mula pa sa ibat-ibang mga lugar  na nasasakupan ng distrito eklesiastiko ng Cebu gaya ng  Bogo City, Borbon, Daanbantayan, Medillen, San Remigio, Tambongon, Tuburn at iba pa.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan mismo ng supervising minister ng Cebu na si Kapatid na Diosdado F. Dades.

 

 

Shella N. Magadadaro,  Eagle News Service Cebu correspondent