CEBU CITY, Philippines (Eagle News) — Nagsagawa ng motorcade ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa Cebu City nitong Mayo 20, ika-anim ng umaga, bilang paghahanda sa gagawing pamamahayag ng mga Salita ng Diyos sa araw ng Linggo, Mayo 22, 2016, na pangangasiwaan mismo ng executive minister ng INC na si Kapatid na Eduardo V. Manalo.
Maaga namang tumugon at nakipagkaisa ang maraming mga miyembro ng INC sa nasabing siyudad na nanggaling pa mula pa sa ibat-ibang mga lugar na nasasakupan ng distrito eklesiastiko ng Cebu gaya ng Bogo City, Borbon, Daanbantayan, Medillen, San Remigio, Tambongon, Tuburn at iba pa.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan mismo ng supervising minister ng Cebu na si Kapatid na Diosdado F. Dades.
Shella N. Magadadaro, Eagle News Service Cebu correspondent